Heeeey :) been a while. Haha! Kwento ko lang nangyare today noh kase feeling ko ang cute nang day na ito though overrr pagod talaga ako as in. LOL. Well nagising ako kanina mga 6am para gising ang baby ko kase may work siya so tinawagan ko siya then di ko alam nasasabi ko kase antok na antok pako. Bale 3AM kase ako natulog ee. Tapos, nakatulog nako ulit nun nag bye I love you na siya. Next thing is nagising ako mga 7 something kase ewan ko kung nananaginip lang talaga ako or talagang may babae ako naririnig na tumatawa then maya maya narealize ko na si Isabel (troll's gf) pala yun so sa antok ko natulog parin ako. Mga 9am gumising ako para basahin ang mga text ko. Kita ko dami ko new notifications from FB so tingin lang tas tumawag ang aking baby :) sinabi ko antok pako so natulog ulit ako. Ang nonsense lang ee. HAHA! maya maya nagulat ako pag gising ko 2PM na pala. So, naisipan ko bumangon tumawag kay Bhei kaya lang aga aga nang inis agad xa.. Kabanat banat ba naman.. "Kagigising mo lang? Bakit nagtatype kana agad jan? Aga naman nang facebook mo." Yan so ako, nainis inaway ko siya tapos nun away nalang kami till napikon nako :) LMAO. Di na kami usap tas bigla nalang anjan na xa sa pinto namin mga 4 something. So pag pasok niya nag iisip pako kung bati ba kami or not =P pero kiniss nia ko so that means bati kami. Mhmmm, tapos nun sumakay na kami sa car nia then punta na kami bahay nila Mommy. Dun akala ko mag basketball lang sila pero andun pala lahat nang pinsan ko edi nag hang out kami. Eat ako nang ginataang mais. Tapos chill chill lang. Mga 5 something sina Troll, Jude, Bruze, Tito Wayne, Tito Wesley at Andrew nag laro na basketball. Dun lang sila harap nang garage namin sa may court. Natutuwa lang ako kase feeling ko welcome na welcome talaga si Bhei sa pamilya namin and of course his brother Jude :) diba ang saya pag ganon? :D oo super SAYA talaga. Heheh :P anywhwo, aun nabored kami ni Prince kakalaro nang speed so naglakad kami papuntang Target, bumili lang nang Starbucks then pinick up na kami ni Andrew. Pag uwi ko ayun nagpapahinga na sila. Kain nang Pork adobo saka Chicken Curry na luto ni Tita Chie :) Aun buong pamilya andun.. Si Daddy, Mommy, Tito Wesley & Family, Tito Wayne & Family & Tito Wagner's Kids. Dami namen dba? LOL. yun lang tamad nako magtype. Maya nalang ulit. Toodles :)
No comments:
Post a Comment