Ang papa ko, si Warfred Roberts. Siguro lahat naman tayo may tatay diba? At may kanya kanya silang katangian na maipagmamalaki natin.. Sa aken? Papa ko? isang mabait, matalino at matiyagang papa. Hindi ko man nasasabi sa kanya pero sobrang lucky ko at siya ang naging papa ko :) Hindi halatang binibigyan ko siya nang importansya pero sobrang importante at mahal ko yun.. Kadalasan man kami nagtatalo, di magkasundo, nagtatampuhan sempre mas nananaig parin yung love ko.. Lam nyo baket? Kase isa siya sa mga tao na alam kong kahit na saksakan ng tigas ang ulo ko, saksakan ako nang gago at kahit na anong kasalanan pa gawin ko sa kanya siya lang ang taong Hinding Hindi ako Iiwan. Yun pinangako niya saken dati ee at di ko makakalimutan yon =) isang pangako na pang habang buhay kong dadalin sa puso at isipan ko..
Bilib ako sa papa ko kase kahit wala si Mama dito kaya parin niya kami itaguyod mag isa.. Hirap pero kinakaya, kahit na alam niya na kumikita na ako never parin siya humingi nang tulong ko.. Kahit $1 never siya nag ask.. Siguro panlilibre oo pero yung sasabihin mo na tulong sa gastusin? Hindi pa nangyayare.. Masaya ako kase nagkaron ako nang maintindihing tatay.. Yung tatay na kitang kita na, na mali ang ginawa mo napapatawad ka parin, ung papa na isang iyak mo lang di ka nalang papansinin pero silent treatment ang dating? Yung tipong gusto niya ikaw mismo makarealize na may mali kang ginawa? Yung Tatay na alam nang ginawa mo na dati pero nagtitiwala parin sayo sa next time? Yung Tatay na magsasabi LAST NATO pero sa susunod na magsabi ka okay nanaman? :) diba? sarap nang ganon na papa? tapos ako? wala lang.. parang hinahayaan at sinasagad ko lang siya.. Yung teenage style na nagbubulag bulagan sa kabaitan niya para lang masunod ang gusto ko? Kahit na alam ko na para sa ikabubuti ko ang mga iyon wala lang para saken? Lol.
Asteeg nga yun si Papa ee, kase tanggap niya kung gaano kami kasira ulo, Oo kami. Kaming dalawa ni Troll :) Hahah, Hilig pa niya sabihin "Wag lang kayo magkakamali dahil mahirap yang pinapasok mo." Cute diba? Di siya nagkukulang sa pagpapaalala.. Lalo na saken, "Zsade, Kung gusto mo nang maginhawang buhay mag aral ka.. Wag mo sayangin ang panahon.. Wag kang makontento na sa Bakery ka magwowork panghabang buhay.. " Heheh.. Paulit ulit niya sinasabi yon.. Halata naman diba? Memorize ko na oh.. Lol.. Galing din niya kase kahit na wala na siyang tulog hindi parin niya nakakalimutan ang responsibilidad niya bilang isang ama. Hahatid niya si Troll nang 7:20am sa school, uwi then ayusan kambal tapos hatid nang 8:15am sa school tapos ako naman hahatid niya sa work nang 9am then gigising siya nang 12noon para magluto..Kakapagod yun dba? tapos sundo naman gagawin niya.. Tpos work siya nang 3pm then uwi nang 2am tas ulit nanaman routine.. :)
Hindi ko nga lubos maisip kung paano nagbago papa ko ee, dati dati parang easy easy lang sa kanya ang buhay.. Ngayon, kahit na mahirap muka parin easy sa kanya dahil kinakaya niya.. Hehe sabi pa niya hindi na daw siya mag girlfriend as long as may mag la-love-love sa kanya which is yung kambal as of now.. As far as I can remember the last time na naglovelove kami ni papa is ung time na bago ako mag 18, naiiyak pa nga ko non ee.. Sabi ba naman kase "ate palovelove, baka mamaya iiwan mo na kami kahit huling hug man lang :( Nakakainis diba! Nakakaasar :'( Hindi naman siguro, ayoko nga mawala kina papa ee.. Mas okay na madalas kami mag-away kesa naman malayo ako sa kanila.. Minsan iniisip ko nalang mag move out tutal 18 nako pero feeling ko di ko kaya ee.. Di sa takot ako sa mga bills pero takot ako malayo sa pamilya ko.. Specially kay papa :( di ko alam, buong buhay ko kase kay papa ako nakasandal.. Dati naghiwalay sila ni Mama pero kay Papa parin ako nagstay.. Ewan ko, basta hindi pepede na wala si Papa sa tabi ko.. Malaki mawawala pag siya nalayo saken =( Drama hahaha. Sige yun lang haba na neto xD

No comments:
Post a Comment