Actually, hindi ko talaga alam kung papaano ko uumpisahan to e. Mahirap para sakin na minsan may hindi tayo pagkakaintindihan pero sa kabila ng mga un sobra mo akong napapasaya. Nalulungkot ako dahil sa mga nakita mo sa blog ko pero lam mo un. Gaya ng parati natin sinasabi past is past..
2 araw nalang mag lilimang buwan na tayo.. Hanggang ngaun hindi parin ako makapaniwala, parang dati lang di ka sumasagi sa isipan ko.. parang dati lang sa tuwing nagkikita tayo "Hi o Hello" lang minsan dedmahan pa tapos eto tayo ngaun.. Magkasama.. Nagmamahalan.. Di ko alam kung papaano ako naging ganto kabilis ka open sayo pero sa kung ano mang dahilan un nagpapasalamat ako.. Nagpapasalamat ako love sa abot abot mong pasensya.. Lalo na pag bigla nalang ako nawawala sa mood.. Pag iniintindi mo ako pag inaaway kita dahil ayaw pa kitang patulugin sa gabi kahit na alam kong pagod ka sa trabaho mo..
4 months palang tayo pero pakiramdam ko 1 year na tayo.. Alam ko minsan lang tayo magkita pero ung 2 days na pagsasama natin sa loob ng isang Linggo para sa akin SUPER worth it un love.. Salamat kasi kahit na gaano kahirap intindihin ung pinag dadaanan ko nung una nag stay ka parin para sa akin.. Tinulungan mo akong intindihin at unawain ang mga bagay bagay.. Salamat kasi kahit na alam mong alanganin minahal mo parin ako ng sobra.. Thank you and I love you.. Alam ko mahirap para sa atin dalawa na di tayo araw araw nagkikita pero I know we can do this.. Gaya nga ng sabi mo.. Konting pasensya lang..
I love you so much! Sana mabasa mo ito. I LOVE YOU!

No comments:
Post a Comment